History
ANG PINAGMULAN SIKARAN
By: GM Hari Osias C. Banaag
Sa baybayin ng Laguna de Bay ay mayroong isang maliit na bayan ang pangalan ay Baras, Ito ay napapag-itanan ng bayan ng Morong at Tanay, Noong unang panahon na ang bayan ng Baras ay isang sitio, at ang mga naninirahan ay hindi pa gaanong karamihan at pailan ilan lamang. Ang pangunahing pangkabuhayan o pinagkakakitaan ng mga naninirahan ay ang pagkakaingin sa kabundukan at paglilinang ng palayan, pagtatanim ng ibat ibang uri ng gulay, palay at lamang lupa, katulad ng kamote, gabi at iba pa, Ang isa pa nilang pinagkukunan ng pangkabuhayan ay ang pangingisda o panghuhuli ng ibat ibang uri ng isda, sa lawa ng Laguna de Bay, sapagkat ang bayan ng Baras ay nahahati sa tatlong parte, kabundukan, kapatagan at lawa ng Laguna de Bay. Sa bayan ng Baras umusbong o lumitaw ang laro o paligsahan na tinatawag na Sikaran (The Filipino art of foot fighting), na ang ginagamit pang atake ay ang mga paa, at ang mga kamay gamit na pang sangga, o pang salag, pangbalabang at panghagis. Natatag ang bayan ng Baras noong taong 1595 sa pamamagitan ng missionariong Franciscano, at dahil sa kakulangan ng mga Pari noong panahong iyon, ang Baras ay naging visita ng Morong, at ng taong 1906 ang Baras ay naging Barrio ng Tanay, At ng taong 1920, Ito ay humiwalay sa bayan ng Tanay, nagsarili at naging isang ganap na bayan. Ang mga uri ng laro o paligsahan sa bayan ng Baras noong mga panahong iyon, ay ang "Patintero" (Ito ay hugis palayan) na kung saan sila ay nag guguhit sa lupa na gamit ay ang tubig, ito ay laro ng tatlo o higit pang manlalaro, na kung saan ang taya ay nakatalaga sa guhit na tubig sa lupa, ang namumuno sa kuponan ay nakatalaga sa guhit sa gitnang diretso, at siya ang nagsasabi kung umpisa na ang laro, ang mga kasama ay naka talaga sa guhit na pahalang, nakadipa ang mga kamay para hindi sila malusutan ng kalaban, malaya silang tumakbo na naka dipa ang mga kamay para ng saganoon ay madali nilang mahipo ang isa sa kalaban para sila naman ang maging taya (ang ibig sabihin ng taya ay talo, kaya sila ang mananatili sa guhit na tubig sa lupa), ang pangalawang laro ay ang tinatawag na"Tago-Taguan " ito ay laro din na kung saan ang tinatawag na taya ay nakatungo sa isang punong kahoy ng ilang minuto, para nangsaganoon ay may pagkakataon na makapag tago ang mga kalaro, pagkaraan ng isang minuto ay bibilang ng malakas, isa hanggang sampo ang taya, at pagkatapos ay doon na hahanapin isa isa ang mga kalaro, at ang kaunaunahang makita at maunahang humipo sa punong kahoy ay siya naman ang itatalagang taya. Ang pangatlong laro o paligsahan sa ay ang tinatawag na" Karera ng Bangka "pasagwan sa ilog, dalawa hanggang apat na Bangka ang maglalaban, sila ay mag hahabulan pasagwan hanggang marating ang hangganan itinalaga, ang unang makarating ay siyang tatanghaling panalo. Ang pang apat na laro ay ang tinanawag na "Buno sa Tubig" (water wrestling) Itoy kanilang nilalaro sa tuwing sila ay maliligo sa Ilog o Sapa, Itoy labanan sa tubig na hanggang dibdib ang lalim, na ang isang manlalaro ay buhat sa balikat ng kapuwa manlalaro at sila ay magkakampi, laban sa grupo na mayroon ding buhat sa balikat,(kampihan ng dalawa), itoy laro ng dalawang pares o higit pa sa dalawang pares, silay magbubuno na gamit ay ang mga kamay at baraso at ang bumaksak ay talo, labo-labo ang matira ay ang tatanghaling panalo o kampeon, At ang pang lima ay ang " Sabuyan ng Putik " ito ay laro ng dalawa, tatlo o higit pang manlalaro, silay nag sasabuyan ng putik na gamit ay ang mga kamay, Sabuyan ng Putik sa buong katawan, na nauwi sa tinatawag na laro o paligsahan na tinatawag na Sikaran ( Filipino art of foot fighting). Ang Sikaran ay isang uri nang laro, paligsahan o labanan na ang ginagamit na pang atake ay ang mga paa, at ang mga kamay ay ginagamit na pangsanga o pang-salag, pang balabag at panghagis, Ang larong Sikaran ay natuklasan ng mga kabataang magsasaka sa bayan ng Baras, noong sila ay nagtatrabaho sa kani kanilang mga palayan, na inaararo upang ihanda para pagtaniman ng palay (ang pangunahing pagkain ng mga katagalugan ay ang bigas na galing sa palay), Ayong sa mga matatanda, noong unang panahon ang mga kabataang magsasaka ay nag tatrabaho sa kani kanilang palayan, pinatutubigan at ginagapas ang mga damo sa pilapil, at pagkatapos ng ilang araw ay kanilang aararuhin para mapagtaniman ng palay. At sa tuwing sila ay magpapahinga pinapaloblob nila ang kanilang mga kalabaw (water buffalo) sa ilog o sapa para mag ibayo ang lakas,(ang kalabaw ay hindi nakatatagal sa init ng araw) at ang kanila namang ginagawa ay ang mag laro ng sabuyan ng putik sa buong katawan at mukha, pagkatapos na mapuno sila ng putik ay sabay talon sa ilog o sapa, na kung saan ang kanilang kalabaw ay pinaliliguan o pinaloloblob para maging malakas na muli. Pangkaraniwan na nilang laro ang sabuyan ng putik, itoy katuwaang laro lamang, sa dahilan na noong mga panahong iyon, ang mga kabataan ay hindi marunong manakit ng kapuwa tao, dahil silay magagalang, mapagmahal sa magulang, sa sarili, at buo ang takot sa Dios. Isang araw nang sila ay maglaro ng sabuyan ng putik sa katawan at mukha, sila ay hindi nasiyahan, at para mapalakas ang pagsaboy ng putik sa katawan ng mga kalaro, ay ang ginamit ay ang paa, noong una ay sinisipa lamang ang putik patungo sa mga kalaro, at nang matutunan na nakakapuwing sa mata, ng maglaon ay inilulubog na nila ang dulo ang mga daliri ng paa sa putik at pinipitik patungo sa mukha ng kalaro, ang naging layunin ay hindi na para maka puno ng putik ng kalaro, kungdi ang makasakit na sa kalaro, at kapag tinamaan ang kalaro ay sila ay napupuwing sa mata at hindi makatinging sa kalaban, hanggang sila ay magkatamaan sa katawan at bumaksak ang isa sa kanila, at doon ay nakakuha sila ng ideya ng larong Sikaran, tadyakan sa katawan na ang bumaksak ay talo. Dahil na rin sa kanilang angking lakas ng mga baraso at paa, silay sanay at batak, sa gawain pangbukid at sa pagsagwan ng Bangka sa tuwing sila ay mangingisda sa Laguna de Bay. Ang pagbubuhat ng kahoy o pag hahakot ng palay at gulay pabatulang (ang batulang ay kahalintulad ng basket pero yari sa kawayan) mula sa palayan, sa Kabundukan na kanilang pinag kukunan ng kabuhayan hanggang sa kanilang bahay kubo na tirahan, paglalakad ng yapak araw araw ang kanilang talampakan ay makakapal at malalapad, kayat ang tamaan ng kanilang sipa sa ano mang parte ng katawan ay bumabagsak at umaayaw sa tindi ng tama.
READ MORE.......
Global Sikaran